Haggai (Tagalog)

Haggai (Tagalog)

1

1:1b.HAG.001.001 Nang ikalawang taon ni Dario na hari, nang ikaanim na buwan, nang unang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta kay Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay Josue na anak ni Josadac na dakilang saserdote, na nagsasabi,

1:2b.HAG.001.002 Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, ang bayang ito'y nagsasabi, Hindi pa dumarating ang panahon, ang panahon ng pagtatayo ng bahay sa Panginoon.

1:3b.HAG.001.003 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,

1:4b.HAG.001.004 Panahon baga sa inyo na tumahan sa inyong mga nakikisamihang bahay, samantalang ang bahay na ito ay namamalaging wasak?

1:5b.HAG.001.005 Ngayon nga'y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.

1:6b.HAG.001.006 Kayo'y nangaghasik ng marami, at nagsisiani ng kaunti; kayo'y nagsisikain, nguni't hindi kayo nagkaroon ng kahustuhan; kayo'y nagsisiinom, nguni't hindi kayo nangapapatirang-uhaw; kayo'y nangananamit, nguni't walang mainit; at yaong kumikita ng mga pinagarawan ay kumikita ng mga pinagarawan upang ilagay sa supot na may mga butas.

1:7b.HAG.001.007 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.

1:8b.HAG.001.008 Magsiahon kayo sa bundok, at mangagdala ng kahoy, at mangagtayo kayo ng bahay; at aking kalulugdan, at ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoon.

1:9b.HAG.001.009 Kayo'y nangaghintay ng marami, at, narito, ang dumating ay kaunti; at nang inyong dalhin sa bahay, aking hinipan. Bakit? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dahil sa ang aking bahay ay nahahandusay na wasak, samantalang tumatakbo bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang sariling bahay.

1:10b.HAG.001.010 Kaya't dahil sa inyo, pinipigil ng langit ang hamog, at ipinagkakait ng lupa ang kaniyang bunga.

1:11b.HAG.001.011 At ako'y nagpasapit ng pagkatuyo sa lupa, at sa mga bundok, at sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa sumisibol sa lupa, at sa mga tao, at sa baka, at sa lahat ng pinagpagalan ng mga kamay.

1:12b.HAG.001.012 Nang magkagayo'y si Zorobabel na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, sangpu ng buong nalabi sa bayan, nagsitalima sa tinig ng Panginoon nilang Dios, at sa mga salita ni Hagai na propeta, na siyang sinugo ng Panginoon nilang Dios; at ang bayan ay natakot sa harap ng Panginoon.

1:13b.HAG.001.013 Nang magkagayo'y nagsalita si Hagai, na sugo ng Panginoon ayon sa pasugo ng Panginoon sa bayan, na nagsasabi, Ako'y sumasainyo, sabi ng Panginoon.

1:14b.HAG.001.014 At kinilos ng Panginoon ang kalooban ni Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at ang kalooban ni Josue na anak ni Josadac na pangulong saserdote, at ang kalooban ng buong nalabi sa bayan; at sila'y nagsiparoon, at nagsigawa sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, na kanilang Dios,

1:15b.HAG.001.015 Nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, nang buwang ikaanim, nang ikalawang taon ni Dario na hari.

2

2:1b.HAG.002.001 Nang ikapitong buwan nang ikadalawang pu't isang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,

2:2b.HAG.002.002 Salitain mo ngayon kay Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, at sa nalabi sa bayan, na sabihin mo,

2:3b.HAG.002.003 Sino ang nananatili sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kaniyang dating kaluwalhatian? at paanong nakikita ninyo ngayon? hindi baga sa inyong mga mata ay parang wala?

2:4b.HAG.002.004 Gayon ma'y magpakalakas ka ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at kayo'y magsigawa: sapagka't ako'y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

2:5b.HAG.002.005 Ayon sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo'y magsilabas sa Egipto, at ang aking Espiritu ay nanahan sa inyo: huwag kayong mangatakot.

2:6b.HAG.002.006 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Minsan na lamang, sangdaling panahon, at aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa;

2:7b.HAG.002.007 At aking uugain ang lahat na bansa; at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

2:8b.HAG.002.008 Ang pilak ay akin, at ang ginto ay akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

2:9b.HAG.002.009 Ang huling kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

2:10b.HAG.002.010 Nang ikadalawang pu't apat nang ikasiyam na buwan, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,

2:11b.HAG.002.011 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangagtanong kayo ngayon sa mga saserdote ng tungkol sa kautusan, na mangagsabi,

2:12b.HAG.002.012 Kung ang isang tao ay may dala sa kaniyang kandungan na banal na karne, at magsagi ng kaniyang laylayan ang tinapay, o ulam, o alak, o langis, o anomang pagkain, magiging banal pa baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot, at nangagsabi, Hindi.

2:13b.HAG.002.013 Nang magkagayo'y sinabi ni Hagai, Kung ang sinomang marumi dahil sa bangkay ay masagi ang anoman sa mga ito, magiging marumi baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot at nangagsabi, Magiging marumi.

2:14b.HAG.002.014 Nang magkagayo'y sumagot si Hagai, at nagsabi, Gayon nga ang bayang ito, at gayon ang bansang ito sa harap ko, sabi ng Panginoon; at gayon ang bawa't gawa ng kanilang mga kamay; at ang kanilang inihahandog doon ay marumi.

2:15b.HAG.002.015 At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, na inyong gunitain mula sa araw na ito at sa nakaraan, bago ang bato ay mapatong sa kapuwa bato sa templo ng Panginoon.

2:16b.HAG.002.016 Nang buong panahong yaon, pagka ang isa ay lumalapit sa isang bunton ng dalawang pung takal, may sangpu lamang; pagka ang isa ay lumalapit sa pigaan ng alak upang kumuha ng limang pung sisidlan, may dalawang pu lamang.

2:17b.HAG.002.017 Sinalot ko kayo ng pagkalanta at ng amag at ng granizo sa lahat ng gawa ng inyong mga kamay; gayon ma'y hindi kayo nanumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

2:18b.HAG.002.018 Isinasamo ko nga sa inyo, na kayo'y magdilidili mula sa araw na ito at sa nakaraan, mula nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, mula nang araw na ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay ilagay, gunitain ninyo.

2:19b.HAG.002.019 May binhi pa baga sa kamalig? oo, ang puno ng ubas, at ang puno ng igos, at ang granada, at ang puno ng olibo ay hindi nagbunga; mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo.

2:20b.HAG.002.020 At ang salita ng Panginoon ay dumating na ikalawa kay Hagai nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, na nagsasabi,

2:21b.HAG.002.021 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, Aking uugain ang langit at ang lupa;

2:22b.HAG.002.022 At aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid.

2:23b.HAG.002.023 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kita'y kukunin, Oh Zorobabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, at gagawin kitang pinaka panatak; sapagka't pinili kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.


Holder of rights
Multilingual Bible Corpus

Citation Suggestion for this Object
TextGrid Repository (2025). Tagalog Collection. Haggai (Tagalog). Haggai (Tagalog). Multilingual Parallel Bible Corpus. Multilingual Bible Corpus. https://hdl.handle.net/21.11113/0000-0016-BC60-8